×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 62

Marian Rivera suffers fractured toe while shooting "Shake, Rattle & Roll X"

Rate this item
(0 votes)

Marian Riveraby Ruel J. Mendoza
Philippine Entertainment Portal, November 26, 2008

Itinakbo sa Medical City ang aktres na si Marian Rivera kaninang alas-tres ng madaling-araw, November 26, pagkatapos niyang maaksidente sa shooting ng "Nieves" episode ng pelikulang Shake, Rattle & Roll X.

Natapilok si Marian habang kinukunan ang isang eksena kagabi, November 25, bandang alas-otso. Dumating si Marian na sobrang sakit ng kanyang paa.

Sa X-ray ay nadiskubre nabali na ang toe sa kanyang kanyang paa. Dahil dito ay nilagyan ni Dr. Rafael Claudio ng Medical City ng cast ang kanang paa ni Marian.

Hindi naman daw serious fracture ang nangyari kay Marian, pero dapat daw pag-ingatan ng aktres na gamitin ang right foot niya.

Pahinga raw muna si Marian sa pagsasayaw habang naghi-heal ang kanyang paa. Dahil dito, hindi muna siya makakapag-promote ng kanyang second dance album, kung saan siya mismo ang kumanta ng ilang tracks.

Bagamat naka-semento ang kanyang kanang paa, tuloy pa rin daw ang lipad ni Marian papuntang U.S., kasama ang kanyang ka-love team na si Dingdong Dantes, sa first week ng December. Ayaw raw kasi niyang ma-disappoint ang kanilang fans sa Amerika na nag-aabang ng Let's Celebrate concert nila sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, California.

Kaso nga lang, baka hindi raw siya makasayaw dahil sa kanyang cast sa paa. Two to three weeks daw kasi siya dapat na naka-cast.

Tungkol naman sa dalawang pelikula ni Marian para sa 2008 Metro Manila Film Festival, ang Shake, Rattle & Roll X at Desperadas, matatapos naman daw niya ito in time for the filmfest.

Read 1592 times

BOOK TICKET

Book YourTickets Now!

Write to us at mail or phone.
You can also contact us through the site.

Newsletter

© Pinoy Tiketek, All Rights Reserved.

Search