×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 62

Rowell Santiago resigns as director of "Divas 4 Divas"

Rate this item
(0 votes)

Rowell Santiagoby Nitz Miralles
Philippine Entertainment Portal, November 26, 2008

Kumpirmado ang nakarating na balita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi na si Rowell Santiago ang direktor ng Divas 4 Divas concert nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernadez at Regine Velasquez. Nag-resign si Rowell ngayong araw, November 26—nine days before the December 6 concert sa Araneta Coliseum.

Ang schedule ng apat na divas ang rason ng pagre-resign ni Rowell. Sobrang busy kasi nina Kuh, Zsa Zsa, Pops, at Regine kaya hindi makapag-rehearse nang sabay-sabay. Hindi mapagtagpo ni Rowell ang apat. Ayaw naman niyang gumawa ng half-baked na trabaho dahil siguradong siya ang mapipintasan pag nagkabulilyaso ang show.

Ayaw ni Rowell na masira ang track record niya bilang concert director, lalo't very successful ang Gary V Live @ 25 ni Gary Valenciano last November 14 & 15. Siya rin ang nasa likod ng mga nakaraang successful major concerts nina Pops, Martin Nievera, at Sharon Cuneta.

Ang pagdidirek ng The Idol Experience: Ogie Sings With The Idols, na gagawin sa Aliw Theater sa December 20 & 21, at shooting ng sequel ng A Very Special Love nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na lang ang pagtutuunan ng pansin ni Rowell.

Paano nga naman makakapag-rehearse ang apat kung sina Pops at Zsa Zsa ay nasa Amerika at sa December 2 pa ang balik nila? Paalis din si Kuh this weekend. Si Regine lang ang naiwan dito, pero busy rin siya sa promo ng Low Key album niya sa Universal Records.

Pinilit ni Kuh na pagsamahin silang apat sa isang major concert, pero nagkakaproblema sa hectic schedules nilang apat. Hindi lang kasalanan nina Pops at Zsa Zsa, kundi nilang lahat.

In fairness, excited ang apat sa first time nilang pagsasama-sama sa isang concert. Si Kuh pa nga ang in-charge sa gowns na kanilang isusuot, at pati sapatos ay ibinili niya ang tatlo para pare-pareho silang bongga.

As of today, ang choreographer na si Douglas Nierras na ang direktor ng Divas 4 Divas at siguradong magkakaroon ng pagbabago sa takbo ng concert. Kilalang istrikto si Douglas, makatikim kaya ng talak sa kanya ang apat na divas na sa halip na mag-rehearse ay travel nang travel ang iba sa kanila?

Read 1629 times

BOOK TICKET

Book YourTickets Now!

Write to us at mail or phone.
You can also contact us through the site.

Newsletter

© Pinoy Tiketek, All Rights Reserved.

Search