×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 62

Ploning bid for Oscars gets P1M aid from gov't

Rate this item
(0 votes)

Judy Ann SantosGMANews.TV, 12/04/2008

MANILA, Philippines - Malacañang has donated P1 million to the Film Development Council of the Philippines in support to the bid of the movie "Ploning" for the "Best Foreign Language Film" category in the 81st Academy Awards (Oscars) in the United States.

Presidential Management Staff (PMS) director general Cerge Remonde personally handed check to FDCP chairman Rolando Atienza and “Ploning” lead actress Judy Ann Santos during a simple ceremony at the New Executive Building Room in Malacañang late Thursday afternoon.

The amount is sourced from the Presidential Social Fund, Remonde said, and would be used for the publicity expenses of the film abroad.

Santos, who is also the executive producer of the movie, said “Ploning” needs at least P5 million for the publicity expenses and was thankful to the government for giving the biggest contribution.

"Pinakamalaki ang suporta (ng gobyerno). Nakakatuwa siya, overwhelming. Hindi maliit na bagay na humingi ka at tulungan ka ng gobyerno (The government gave the biggest contribution. I’m happy and overwhelmed for it)," she said.

Santos said “Ploning” has an edge to get into the Top 9 since it has been invited to the Palm Springs Festival in January, which is considered as a pre-Oscars party.

“Ploning” had been invited to three international film festivals already in Hong Kong, India and Singapore.

Ploning, an independent film by Panoramanila about selfless love, had been Graded A by the Cinema Evaluation Board. It is directed by Dante Nico Garcia. - GMANews.TV


Judy Ann SantosCelebrities donate prized items for Ploning
11/30/2008

Naging matagumpay ang ginanap na celebrity bazaar and auction para sa Ploning noong Sabado, Nobyembre 28, sa Plaza Ibarra sa may Timog Avenue, Quezon City.

Dininig ng ilang fans at supporters ang panawagan nina Judy Ann Santos at Direk Dante Nico Garcia sa “Unang Hirit” tungkol sa kanilang fundraising event para sa Pilipinas entry sa Best Foreign Language Film category sa 2009 Oscar Awards.

Sa halagang P100, nagkaroon ng pagkakataong mamili ang mga fans ng mga personal na damit at iba pang gamit ng kanilang paboritong artista. Samantala, sa halagang P250 naman ay may pagkakataon silang makipagsubastahan para sa mga mamahalin at collector's items na bag, damit, relo, at iba pang gamit ng mga local celebrities.

"This is through the efforts of Juday, Ogie [Alcasid], and Regine [Velasquez], and a lot of friends. Basically, sila Regine at Ogie ang tumulong sa amin to collect all the items," paliwanag ni Direk Dante o mas kilala bilang Direk Ga.

Ayon kay Direk Ga, maraming artista ang bukas-palad na tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang mga gamit para maibenta. "Masaya itong event na ito kasi walang Kapamilya, Kapuso demarcation line. So, exciting!"

Ilan sa mga gamit na talagang inabangan at naisubasta sa malaking halaga ay ang mga signature bags mula kina Dra. Vicki Belo, Regine Velasquez, Ai-Ai delas Alas, at Juday. Mayroon ding mga mamahaling relo mula kina Dingdong Dantes, Toni Gonzaga, at Johnny Wong, asawa ng aktres na si Beth Tamayo.

Naging interesado rin ang ilan sa mga gamit na jacket nina Ogie Alcsid at Dingdong. Gayundin ang mga damit at gowns nina Judy Ann, Regine, Kris Aquino, Gretchen Barretto, at Marian Rivera.

Sa bazaar, ipinagbili rin ang coffetable book ng Ploning na ginawa ng boyfriend ni Judy Ann, ang actor-photographer na si Ryan Agoncillo.

HELP PLONING RAISE FUNDS FOR OSCARS: Ayon kay Direk Ga, nais nilang makaipon ng sapat na pera upang magpagawa ng mga kinakailangang publicity materials para makilala ang pelikulang Ploning sa Los Angeles, California, kung saan gaganapin ang Oscars sa February 2009.

Paliwanag niya, "Ang target namin na amount na ma-raise is five million pa rin to be able to send people to the Oscars para mangampanya, additional prints, website, bayad ng publicists, screening hours na rental ng mga theaters.

"At saka kung lalagpas ang pera, a dinner to the people of Palm Spring Film Festival na pupuntahan namin at huling hihiritan bago mag-Oscars, huling festival na ginaganap sa California bago mag-Oscars. At doon nanonood ang lahat ng mga for consideration na pelikula. So we want to have a party for them na somehow bahagi ng kampanya talaga. Partly doon, we want to raise more money din to be able to screen the film for a week sa L.A., sa isang legit na theater para puwede pa kaming ma-consider sa iba pang category."

Sa ngayon, isa ang Ploning sa mahigit 60 na kalahok na pelikula mula sa iba't ibang bansa na nais makapasok sa limang magiging official nominees para sa Best Foreign Language Film category ng Oscars, na itinuturing na pinakaprestihiyosong award-giving body sa Hollywood.

Samantala, nagpaliwanag din ang kilalang makeup artist na si Fanny Serrano, na tumulong din sa event, sa mga taong dumalo sa auction bago ito magsimula.

Aniya, "Sa showbiz, malaking karangalan po sa Philippine movie industry ang makilala ang pelikulang Pilipino. Isa pong kahanga-hangang pelikula [ang Ploning] na nagkataon po na ang nakagawa pa ay ang tinatawag nating independent group. Hindi naman po ito iimbitahan sa Oscars kung hindi talaga maipagmamalaki."

Kasunod nito ay nanawagan siya sa mga tao na suportahan ang kampanya ng Ploning.

"Katulad po ng mga narinig ninyo sa television at publicity, magtutulung-tulong po tayong mga Pilipino. Ang dami hong gastos pala, magpakatotoo na tayo. Kumbaga, para mapansin po, kailangan maramdaman sa Hollywood. So, 'yong mga gastos po ng pag-imbita ng mga press people doon, na hindi naman namin kakilala kung sino, ‘yon po ang kailangan pakiusapan natin. Kailangan maramdaman po tayo dahil ang kasali po rito ay mahigit 50, o baka mahigit 60, na mayayamang countries po na talagang gagastusan o suportado ng gobyerno para ipaglaban lang," pahayag ni Fanny.

PLATO PARA KAY PLONING: Kasunod ng katatapos lamang na celebrity bazaar, magkakaroon pa ng isang fundraising event ang grupo ng Ploning. Ito ay ang "Plato Para Kay Ploning" na gaganapin sa Martes, December 3, sa Rockwell Tent sa Makati City.

Ito ay isang fundraising dinner kung saan si Judy Ann mismo ang gumawa ng menu. Magkakaroon din ng ilang pagtatanghal mula sa ilang sikat na Pinoy performers.

Bukod pa rito, ayon kay Direk Ga, pinaplano rin nilang magkaroon ng red-carpet premiere sa L.A. sa December 10. "Itong red-carpet premiere naman, we will try to invite Fil-Am actors, mga Fil-Am na nasa mainstream Hollywood to make them aware of the film and help us with the campaign," aniya.

Sa ngayon, mabuti naman umano ang mga reaksiyong nakukuha niya sa mga nanood ng pelikula nang siya ang nagla-lobby sa Los Angels.

Kuwento ni Direk Ga, "Ako, para sa akin at pinakagusto kong nakuhang reaksiyon na nakukuha ko from people is when they come out sa screening and they would come up to me and say, ‘It's been a while since a third-world country sent a film na walang social issues, walang galit, walang poverty.'

"Parang sabi nila, ito ang unang feel-good movie. They think it's so light for it to come from a third-world country. In a way, positive 'yon kasi I'm thinking na ganun 'yong magiging slant ng Ploning ngayon."

Mula rito, umaasa si Direk Ga na maging positibo ang resulta ng kanilang pagla-lobby para sa Ploning.

"I'm hoping that with that kind of reaction that I'm getting, madaling ikalat at ikuwento sa iba pang miyembro ang tungkol sa pelikula. Sana 'yon ang maging edge natin sa ibang pelikula na nandoon, sa 66 pang pelikula na kasiksikan natin para mapunta sa top five," pagtatapos niya. - Philippine Entertainment Portal

Read 1528 times

BOOK TICKET

Book YourTickets Now!

Write to us at mail or phone.
You can also contact us through the site.

Newsletter

© Pinoy Tiketek, All Rights Reserved.

Search