×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 62

Jomari producing Pops and Martin’s concert

Rate this item
(0 votes)

Jomari Yllyanaby Julie Bonifacio
Dec. 11, 2008

Isa na ngayong big time concert producer ang aktor na si Jomari Yllana. Ipro-produce ni Jomari ang reunion concert ng dating mag-asawa at loveteam na sina Martin Nievera at Pops Fernandez na magaganap sa February 6, 2009 sa Araneta Coliseum at pinamagatang Missing You. “We want to occupy the space na iniwan ng Maxi Media. Parang ano, if we say Dreamworks maaalala mo si Steven Spielberg, parang ganu’n,” umpisa ni Jomari.

Initially, mga malalaking foreign artists ang gustong i-produce ni Jomari sa bago niyang production na Fearless Entertainment gaya ng U2, Rhianna at Madonna. Kasosyo ni Jomari sa production outfit niya ang anak ni Chavit Singsong na si Congressman Ronald Singson. Pero ang girlfriend niyang si Pops na ang nag-suggest kay Jomari na bakit hindi na lang niya i-produce ang reunion concert nila ng ex-husband niya na si Martin. Kaya naman kinuha na rin ni Jomari si Pops bilang line producer ng Fearless Entertainment. Si Pops na rin ang kumausap kay Martin regarding the project na agad namang tinanggap ng Concert King. In fact, nagbigay na ng down payment si Jomari kay Martin. “Triple ang production budget namin para sa concert nina Martin and Pops kesa sa Divas For Divas. Kung ano ‘yung tinanggap na talent fee nu’ng isa , ganu’n din ‘yung kabila.. Mas mahal siya (Martin) dito para mapapayag ko sila. ‘Tsaka even rate. Kung ano ‘yung rate nu’ng isa ‘yun din ‘yung sa isa. Pantay sila. King and Queen, eh.”

Martin and PopsMaganda rin ang naiisip na marketing strategy ni Jomari katulong si Boy Abunda na hahawak ng PR ng show.“Eto nag plano ko, itong month of December hindi pa ako magpapa-presscon na tradisyon na. Ang plano namin ni Boy, itong buong December lalaruin namin ‘yung loveteam ng Martin and Pops. Plus the triangle (Jomari). As producer. ito ‘yung plano na parang lalaruin ‘yung isip ng tao. Tapos January saka pag-press con saka lalabas lahat ng billboard. ‘Tsaka ipro-promote, guestings, lahat. Uhm, ganito ‘yan, magge-guest ‘yan sa TV. Tapos me, aside sa guesting sa TV ilalabas ‘yan sa print. Ilalabas ’yan sa magazine sa January. Ngayon ko lang naisip na sobrnag dami pala ng pangit na naisulat sa akin before. Sabi ko, one way or the other ‘pag nagtuluy-tuloy ito, magtutuluy-tuloy talaga ang positive and ‘yun talaga ang pupuntahan na si Jomari producer na. Iba na, nag-mature na.”

Dahil dito naikwento na rin ni Jomari ang balak niyang “make-over” sa kanyang sarili. “Tinanong ko rin si Boy, eh. Sabi ko, ‘Boy, ang dami ng nasulat sa akin nu’ng araw na hindi maganda.’ Sabi niya sa akin, ‘Jom, hindi na maalala ng tao ‘yun. Tapos na ‘yun. Maalala ka nila bits and pieces from before. If you’re doing something new na, ‘yan ang maalala nila sa ‘yo ng tao. I want to be remembered as the one who gave the audience the best Pops and Martin show ever. ‘Yan ang ano ko, ‘yan ang aking goal for this show. I am a fan, eh. I am a Martin and Pops fan. Hindi ko rin naman gagawin ito kung hindi ko sila gustong makitang magkasama na magpe-perform ulit. ‘Yan ang challenge eh, ‘yan ang goal ko for this show. Kasi nakikita ako, alam mo, baka hindi na maulit ito. ‘Tsaka hindi mo rin alam kung ano ang magiging reaksyon ng tao sa hirap ng buhay ngayon. Number one nagse-sell ang gambling, Entertainment. Gaming. ‘Yan ang umaangat kapag ang buhay mahirap. Ngayon, tse-tsekin din namin, eh. Hindi natin alam kung ano ’yung magiging reception din sa kanila ng tao. Malaro ‘yung loveteam nu’ng Martin and Pops. And may positive na angle.”

Hindi naman lingid sa publiko na nagkaroon ng matinding sigalot si Pops and Martin months back. Sa tingin ng iba, naging negative sa mag-asawa ang pinakahuling away nila kung saan nag-dialogue pa si Martin na patay na ang loveteam nila ni Pops. Recently, mukhang okey na naman sina Martin at Pops. Kailan ba sila nagkaayos? “Alam mo sa totoo after ng magazine interview (ni Pops) ‘di ba nag-react? Tapos kinuha ko siya sa Amerika, umiiyak. This is what they were saying. Actually, it’s a positive way to market the show. Si Martin was crying and saying the Pops and Martin love team is gone, is dead. Umiiyak siya ‘di ba? Nalungkot naman tayong lahat nu’ng narinig natin ‘yun sa kanya. Ang fans nina Mariin and Pops nand’yan lang sila. Hindi mawawala ‘yan. So, nu’ng nag-Divalicious si Pops, nag-80% full ang Araneta, ‘yun ‘yung 25th year niya sa showbiz. Nag-show si Martin, 80% full din ang Araneta. Ang Divas? Mga 90%, 95%? Puno ‘yun eh. So, I’m expecting this to be puno talaga. Naging okey sila two months after. Kasi one way or the other mag-uusap dun ‘yung dalawa, eh. May mga bata. May mga gastusin sa bahay para sa mga bata. College na si Robin. Magagra-graduate ng high school si Ram. Kahit sabihin mo na nag-away sila, ‘yung parang nagkaayos na rin. It‘s a natural way na hindi pinilit.”

Sinabi rin ni Jomari na dina siya kailangan pang makita ng mga tao sa araw ng concert at sa halip ay bibigyang emphasis na lamang ang emerging music career ng anak ng mag-asawa na si Robin. “I shouldn’t be seen in that show. Hindi ako pwedeng makita. Si Robin ila-launch, Bibigyan siya ng portion sa concert. Magaling ‘yung bata. He sounds like John Mayer. Tapos kamukha siya ni Eddie Fernandez. Papayatin lang. Kaya lang pupunta ng States, eh. Pagbalik,” ngiti ni Jomari. Desidido daw silang dietahin si Robin for the concert. “Mga isang buwan. Kasama niya ang Daddy niya sa States on December 15. Eh, sabi ko, ‘Ano ba, iwo-workout na ba kita? Aalis ka, pupunta ka ng Amerika. Alalayan mo na lang ‘yung pagkain mo doon pagbalik mo dito.” Close naman daw kay Jomari ang mga anak ni Pops. Tito Jom ang tawag ng mga bata sa kanya.

Speaking of kids, balak ba nila ni Pops na magkaroon ng sarili nilang pamilya? “Alam mo sa totoo lang si Pops ayaw na niya. Gusto naming pareho magkaroon ng anak na babae. Puro lalaki kasi. Pero ayaw na niya Siguro maselan din. Kasi she’s 40, eh ayokong pinagdaanan niya ‘yung pinagdaanan ni Ate Vi na nakahiga lang. Gaya rin ni Ate Shawie. ‘Di ba may ganyan, bed rest? Hindi namin pina-plano na magkaanak. Pero ‘pag nangyari. Siyempre nandiyan na, eh ‘di Masaya.” Ano meron sa relasyon nila ni Pops bakit ang ganda-ganda ng takbo? “Kasundo ko siya. Sobra ko’ng kasundo si Pops. Hindi kami nag-aaway. Eto, lately, nag-aaway kami as …..negosyo, ha. Nagtatalo kami. Pagdating sa negosyo sobrang ibang-iba siyang mag-isip and ‘yung diskarte ko sobrang ibang-iba rin sa kanya. Okay ‘yun, eh. Sa negosyo okay ‘yung ganu’n. Ah, instead of kunwari magkapareho kaming magisip, eh, di wala kaming devil’s advocate. Parang iisang utak lang ‘yon. Eto, dalawang utak na magkaiba mag-isip. Pinagsama mo ‘yung dalawa, mas marami kaming magagawa.”

Hindi ba sa US sila magpa-Pasko ni Pops kasama sina Martin at dalawang anak nila? “Baka January. Wala kaming oras, eh. Si Pops may New Year show sa Shangri La, Makati . Hindi siya makaalis kaya hindi siya makakasama nina Maritn at mga bata sa US this Christmas. Pero kung matutuloy kami ni Pops ng January, kaming dalawa ang magkasama. ’Yun ay kung matutuloy kami.” Paano sila mag-usap ni Martin? “Inglis-inglisan kami. I address him always as a my king. ‘Yan ang tawag ko sa kanya Concert King. That’s how I call him.” Ano naman ang tawag sa kanya ni Martin? “Ah, produ, Mr. Produ.” Masaya ba si Martin ngayon? “You know I wish, ang wish ko for him maging masaya siya. Ang gusto ko kay Martin maging masaya siya.” Sa past concerts nina Martin at Pops tuwing ending ng show nagki-kiss sila. Okay lang ba sa kanya kung gawin nila ‘yun sa concert nila ulit next year? “Okay lang sa akin. I’m an actor, I understand. It’s a show. It’s a show of make believe ‘di ba, ganu’n ‘yon? Parang teatro ‘yan, eh. Parang pelikula ‘yan, eh. Show ‘yan, eh. Kinakasal ko sila ng isang gabi and that night it’s for them. I don’t have to be seen. But I will be there. Nasa backstage lang ako,” tapos ni Jomari.

Read 1854 times

BOOK TICKET

Book YourTickets Now!

Write to us at mail or phone.
You can also contact us through the site.

Newsletter

© Pinoy Tiketek, All Rights Reserved.

Search