×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 62

Sarah, kumita ng P100M ngayong 2008?

Rate this item
(0 votes)

Sarah Geronimoni Rey Pumaloy
Abante, Dec. 31, 2008

HUWAG sanang pag-initan ng BIR si Sarah Geronimo sa kuwento namin ngayon tungkol sa kanya. Unang-una, dugo, pawis, tiyaga, at ta­lent naman ang kanyang pinuhunan para mara­ting ang sitwasyon niya ngayon.

Pero, gaano kaya katotoo ang nasagap naming tsismis na umabot daw sa 100 million pesos ang kinita niya ngayong 2008?

Isang kaibigan namin ang nagbulong sa amin na umabot nga sa ganung halaga ang kinita ni Sarah ngayong 2008? Nagmula nga raw 'yon sa mga ginawang TV shows, commercial endorsements, ad campaigns, albums, concerts (local and abroad) at pelikula.

Pero siyempre, nabawasan din daw 'yon dahil sa dami ng mga kinaltas kay Sarah, at kasama na ang tax doon.

Aba, kung totoo ang kuwentong ito tungkol kay Sarah, superstar na talaga ang dating niya ngayon.

Anyway, sa thanksgiving party na ibinigay ni Sarah para sa entertainment press last Monday sa Villa Immaculada, Intramuros Manila, napangiti lang ang manager ni Sarah na si Mr. Vic del Rosario nung tanungin namin tungkol sa kinita ni Sarah.

Sabi lang ni Boss Vic, possible nga na kumita ng ganun si Sarah, dahil mabenta naman talaga ang alaga niya. At bago ngayon pa lang daw, nagsipag-renew na ng kontrata ang lahat ng endorsements ni Sarah para sa 2009.

Bukod pa riyan, may mga bago pa itong ie-endorse ngayong 2009, tulad ng shampoo at make-up line. May lalabas ding bagong ad si Sarah na pangalan niya mismo ang ginamit.

Naniniwala si Boss Vic na lalaki pa nang husto ang kikitain ni Sarah ngayong 2009. Sa Marso 2009 daw ay 2-months na mawawala si Sarah sa Pilipinas para mag-concert sa ibang bansa.

Siyempre, gagawa rin siya ng bagong album, bukod pa sa kanyang Christmas album. At kahapon nga ay sinimulan na rin ang sequel ng movie nila ni John Lloyd Cruz.

Gagawa rin daw si Sarah ng movie na makakasama si Piolo Pascual. At sa October 2009 ay magku-concert ulit si Sarah sa Araneta Coliseum.

Sabi ni Boss Vic, wala na raw tatalo sa kasipagan ni Sarah. At hindi rin daw ito mareklamo. Kaya hindi kataka-taka na sumikat pa nang husto ang alaga niya.

Anyway, masaya si Boss Vic na marunong humawak ng pera ang mga magulang ni Sarah. Nakikita raw niya na nagagastos sa magandang paraan ang kinikita ni Sarah.

Hindi raw pinakikialaman ni Boss Vic ang mga investments ni Sarah. Siya lang daw ang tagabigay ng pera kay Sarah, matapos niyang ihiwalay ang komisyon niya.

Ikinuwento ni Boss Vic na wala pa ring tumatalo sa kinita ng A Very Special Love nina Sarah at John Lloyd. Umabot daw sa kulang-kulang sa 200 million pesos ang kinita nito.

Read 1580 times

PRE-BOOK SESSION

Book YourTickets Now!

Write to us at mail or phone.
You can also contact us through the site.

Or Subscribe Here
to get notified about Pinoy Tiketek Events..

© Pinoy Tiketek, All Rights Reserved.

Search