Anak ni Andi, kinakarga ni Jake

Rate this item
(0 votes)

andi eby Allan Diones
Abante Tonite, Nov. 1, 2012

HINDI pinayagan ni Direk Wenn Deramas na umalis si Andi Eigenmann sa taping ng teleserye nitong Kapag Puso’y Masugatan dahil naghahabol sila ng mga kukunang eksena kaya ang kanyang inang si Jaclyn Jose lang ang nakapunta sa victory dinner ng A Secret Affair.

Tsika ni Jaclyn, may pagka-conservative ang anak niya kaya pag-uwi sa bahay ay iniyakan nito ‘yung love scene nila ni Derek sa pelikula na kinunan sa isang construction site.

Hindi raw akalain ni Andi na magagawa nito ang nasabing eksena at nahihiya ito.

Ipinaliwanag ni Jaclyn na tatalon lang ‘yung maturity ni Andi bilang isang aktres dahil nagkaanak ito nang maaga.

Si Jaclyn ay hindi na na-shock nang mapanood niya ang mga mapangahas na eksena ni Andi sa movie.

Aniya, “Okey lang ‘yon (kumpara) sa nagawa ko! Ha! Ha! Ha!”

Anong masasabi niya about Andi after niyang mapanood ang movie?

“She’s so pretty and she’s so galing. At ang ganda niya! Ang galing niya. Nagagalingan ako sa kanya.

Hindi ko sinasabi sa harapan niya, pero kahit sa teleserye namin ang husay niya,” sagot ng premyadong aktres.

Sa kanya ba nagmana si Andi ng talento nito sa pag-arte?

“I’m sure, sa dugo naming lahat. Naku, ilang generation na ‘yang Eigenmann na ‘yan. At saka ‘yung akin. Siguro, nagkapatak-patak nang konti. Konti kay Eigenmann (Mark Gil, ama ni Andi), Rosemarie (Gil, lola ni Andi), marami sa akin. Isang baso sa akin!”

So, nagpapasalamat siya kay Mark na nakabuo sila ng isang Andi?

“Oo naman. That’s the reason why I do not regret my relationship with him, it’s because of Andi.”

Napatawad na ba niya si Mark?

“Oo, wala na ‘yon. Tatay na lang siya ni Andi at ako ay may ibang buhay.”

***

Aware si Jaclyn sa relasyon ni Andi at ni Jake Ejercito, ang binatang anak ng dating Presidenteng si Erap Estrada at ng dating aktres na si Laarni Enriquez.

Medyo maingat siyang magsalita tungkol dito dahil ayon sa kanya, “Baka ayaw ng parents!”

Anong masasabi niya kung totoong tutol ang mga magulang ni Jake kay Andi dahil sa isa raw itong dalagang ina?

“Mahirap magsalita, kasi presidente ‘yan. Marami akong gustong sabihin pero hindi ko na sasabihin dahil presidente ‘yan, ano!

“Love ko rin naman si Erap. Magkakaibi­gan kami before it happened (ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak ni Andi).

“Ano na lang, give it to the children. Let them fall in love. ‘Yun ang sa akin,” seryosong sagot ng ina ni Andi.

Ayon kay Jaclyn, love niya si Jake at nababai­tan siya rito. Napaka-gentleman daw ng binata kaya wala siyang masasabing hindi maganda tungkol dito.

Bilang ina, ano ang pakiramdam niya kung ayaw ng magulang ng la­laki sa anak niya?

“Kung si Andi ang tatanungin mo at ako, parang sanay na kami. But si Jake per se, he’s such a beautiful person. We’ll never stop loving him.

“And having him into our house, our home, every­time na pupunta ‘yan, welcome. Pagkabait na bata niyan.

“Tahimik lang ‘yan ‘pag nasa amin. Will greet all the time. ‘Pag umaalis, ganu’n din. Kinakarga niya si Ellie (baby ni Andi sa dati nitong nobyo na si Albie Casiño). I’m sorry sa nanay niya. Ha! Ha! Ha! Mahilig sa bata.”

Pinapayuhan niya ba si Andi na ipaglaban ang relasyon nito kay Jake? Ano ‘yung sinasabi niya para huwag din itong masaktan?

“Hindi, sinasabi ko sa kanya, focus muna on Ellie and her career. Tapos, mag-decide siya ‘pag ano na… kailangan naman natin ‘yun (lovelife), eh ‘di ba?

“Lalo na siya, kasi medyo umano ‘yung self-esteem niya dahil sa nangyari sa kanya nu’ng una (with Albie) na pakiramdam niya, eh hindi siya karapat-dapat mahalin.”

***

Tila mahirap ang sitwasyon nina Andi at Jake dahil nasa London si Jake at nag-aaral. Umuuwi-uwi lang ito rito ‘pag nagbabakasyon.

“Yeah. At kung anuman ‘yung relationship nilang dalawa, talagang hindi ako nangingialam,” sambit ni Jaclyn.

“Kung makita ko si Jake sa bahay o makita ko silang magkasama, hindi ko naman tinatanong na, ‘Kayo pa ba?’ o ‘Kayo na ba uli?’”

As a daughter, nagkukuwento ba sa kanya si Andi tungkol sa relasyon nito with Jake?

“Oo, nagkukuwento siya. Pero ayaw nga nu’ng kabila, paano natin ikukuwento? Ha! Ha! Ha!

“Ayoko namang idiin pa sila. Ayoko na rin silang pag-usapan. Ayoko na rin talaga. Presidente ‘to, paulit-ulit pa ba?

“Kung hindi man, ganu’n na rin ‘yon dahil magmi-mayor pa. At saka love ko ‘yan si Erap. Baka nagme-menopause (si Laarni). Mahirap din kausap ‘yon. I mean, ‘yung nagme-menopause…

“Ano naman, we res­pect their decision. Siyempre, anak nila ‘yan. They have to take care of their son.

Only the best for your child. Ganu’n din ako, eh. Kaya lang, things happened eh, beyond my control.”

Sa part ni Jake, meron ba itong sinasabi sa kanya para i-assure siya kaugnay ng relasyon nito with Andi?

“Wala, wala siyang ina-assure sa akin. Naggi-greet lang ‘yan. Alam ko lang, may mga cakes, flowers…

“Sinabi naman niya sa TV Patrol, eh. Sinabi niya kay Mario Dumaual na, ‘She’s (Andi) a very special girl to me and I will take care of her.’ Sinabi niya ‘yon.

“Kung may masasabi ‘yung parents niya… I’m sure, napanood nila ‘yon. Wala namang masama doon, eh!

“Actually, sabay-sabay kaming buntis (nina Laarni). Kaya magkaka-age ‘yan (parehong 22-anyos sina Andi at Jake). Magkakilala silang dalawa, baby pa. Hindi pa sila natututong gumapang.

“Ang best friend ni Laarni, si Veronica, my sister. Every New Year, doon kami nagsi-celebrate. Kaya lumaki ‘yan na magkasabay.

Childhood ano siguro. May gano’n, ‘di ba?” sambit pa ni Jaclyn, na suportado ang lovelife ng kanyang anak.

Read 2032 times

BOOK TICKET

Book YourTickets Now!

Write to us at mail or phone.
You can also contact us through the site.

Newsletter

© Pinoy Tiketek, All Rights Reserved.

Search